Sinigang na Hipon

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 tasa hugas-bigas o tubig
15 piraso kamyas
1 piraso sibuyas, hiniwa
1 piraso kamatis, hiniwa
2 piraso labanos, inapat ang hiwa
½ kilo hipon
1 tali kangkong, hiniwang 2" ang haba
2 piraso siling haba
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ilagay ang isang tasang hugas-bigas sa kaserola kasama ng kamyas.
  2. Lutuin hanggang lumambot at pagkatapos ay ligisin.
  3. Idagdag ang sibuyas, kamatis at natitirang hugas-bigas.
  4. Pakuluin at saka isama ang labanos.
  5. Idagdag ang hipon, kangkong at siling haba.
  6. Hayaang maluto nang husto.
  7. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.