Sinigang na Bangus

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ tasa sampalok
2 tasa tubig
1 piraso maliit na sibuyas, hiniwa
3 piraso kamatis, hiniwa
½ kilo bangus, kinaliskisan at hinati
3 piraso okra, hiniwa
2 piraso talong, hiniwa
1 tali kangkong, hiniwang 2" ang haba
2 piraso siling haba
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Palambutin ang sampalok sa kumukulong tubig.
  2. Ligisin at salain para makuha ang katas.
  3. Sa kaserola, ilagay ang tubig, sibuyas, kamatis at katas ng sampalok.
  4. Pagkulo, ihulog ang bangus, okra, talong, tangkay ng kangkong at siling haba.
  5. Pagkaraan ng ilang minuto ay idagdag ang mga dahon ng kangkong.
  6. Timplahan ayon sa panlasa.