Scalloped Corn

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 tasa mais
2 piraso itlog, binali
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
2 kutsara ginadgad na keso
¾ tasa cream
½ tasa breadcrumbs
4 kutsara mantikilya, pinalambot
1 kutsarita paprika

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin ang mais, binating itlog, asin, paminta, keso at cream.
  2. Ibuhos sa isang baking pan na pinahiran ng mantika.
  3. Takpan ang ibabaw ng breadcrumbs.
  4. Patakan ng mantikilya at budburan ng bunting paprika.
  5. Lutuin sa oven na pinainit sa 350°F ng 30 minuto o hanggang pumula ang ibabaw.