Sabaw na Tahong o Halaan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kutsara mantika
2 butil bawang, dinikdik
1 hiwa luya, tinadtad
1 piraso sibuyas, tinadtad
1 kilo sariwang tahong o halaan
4 tasa tubig
1 tali dahon ng malunggay o sili
1 kutsara patis pantimpla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  2. Idagdag ang halaan o tahong, tubig at patis.
  3. Lutuin hanggang bumuka ang mga talukap.
  4. Hinaan ang apoy at isama ang dahon ng sili o malunggay.