Roast Chicken with Mango Sauce

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 ½ kilo buong manok
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
½ kutsara rosemary
¼ tasa asukal
1 kutsara mantikilya
2 kutsara suka
1 jigger brandy
1 tasa brown sauce
½ tasa mango juice
¼ tasa mango puree
¼ tasa ginadgad na balat ng kalahating lemon

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 400°F.
  2. Budburan ang manok ng asin, paminta at rosemary.
  3. Iluto sa oven ng 45 minuto o hanggang lumambot.
  4. Sa isang kaserola, arnibalin ang asukal.
  5. Isama ang mantikilya, suka, brandy, brown sauce, mango juice, mango puree at balat ng lemon.
  6. Pakuluin.
  7. Hinaan ang apoy at lutuin pa ng 15 minuto o hanggang lumapot-lapot ang sarsa.
  8. Hiwain ang manok sa katamtamang laki at ihain kasama ng sarsa.