Pulburong Pinipig
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 4 | tasa | cake flour |
| 2 | tasa | gatas na pulbos |
| 2 | tasa | asukal |
| 1 | tasa | tinustang pinipig, dinurog |
| 1 | tasa | mantikilya o margarina, tinunaw |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Tustahin ang arina hanggang mamula-mula.
- Sa isang mangkok, pagsamahin ang tinustang arina, gatas, asukal, pinipig at mantikilyang tinunaw.
- Haluin ng maigi.
- Sa pamamagitan ng polvoron molder na bilog o habilog, hulmahin ang pinaghalong sangkap.
- Ibalot sa papel de hapon o cellophane.