Pritong Manok
Mula sa Wikibooks
Itong luto ay kilala rin bilang Fried Chicken.
[baguhin] Sangkap
| 1 | kilo | manok, hiniwa sa maliliit na piraso |
| 2 | kutsarita | toyo |
| 1 | kutsarita | asin |
| 3 | piraso | kalamansi |
| 3 | tasa | mantika pamprito |
| 1 | tasa | arina |
| 1 | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
| 2 | piraso | itlog, binati |
| 1 | tasa | breadcrumbs |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Ibabad ang manok sa toyo, asin at katas ng kalamansi nang 1 oras o magdamag.
- Painitin ang mantika sa kawali.
- Budburan ng arinang tinimplahan ng asin at paminta ang manok.
- Igulong sa binating itlog at pagkatapos ay sa breadcrumbs.
- Iprito hanggang maluto ang manok at lumutong.
- Patuluin.
- Ihain kasama ng ketchup, o gravy bilang sawsawan.