Poached Chicken Breasts with Spinach

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ kilo spinach
4 tasa sabaw ng manok
½ tasa white wine
10 piraso pitso ng manok (tanggalan ng balat at buto), hatiin sa dalawa
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
white roux
1 kutsara mustard
½ tasa cream
1 kutsara mantikilya
½ tasang tinadtad na sibuyas


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Tanggalin ang mga dahon ng spinach.
  2. Ihulog sa kumukulong tubig na may kaunting asin.
  3. Patuluin at saka tadtarin.
  4. Itabi pansamantala.
  5. Pakuluin ang sabaw at idagdag ang white wine.
  6. Timplahan ang manok ng asin at paminta.
  7. Ihulog sa mainit na sabaw at hayaang maluto.
  8. Hanguin at patuluin.
  9. Pakuluin uli ang sabaw at palaputin ng white raux.
  10. Isama ang mustard at isaIang pa ng 15 minuto.
  11. Isama ang cream.
  12. Hayaang uminit ngunit huwag pakuluin.
  13. Sa isang kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  14. Isama ang tinadtad na spinach.
  15. Timplahan.
  16. layos ang spinach sa pinggan.
  17. Ipatong dito ang nalutong manok at paibabawan ng sauce.