Pinaupong Manok
Mula sa Wikibooks
Mga nilalaman |
[baguhin] Sangkap
| 1 | buo | manok |
| 2 | buo | sibuyas |
| 1 | buo | bawang |
| 4 | piraso | luya, tig-isang pulgadang laki |
| 6 | butil | paminta |
| 1 | dahon | laurel |
| 3 | tasa | rock salt |
[baguhin] Sarsa
| 1 | kutsara | dinurog na luya |
| 1 | kutsara | dinikdik na bawng |
| ½ | tasa | mantika |
| ½ | kutsarita | asin |
[baguhin] Paraan ng Pagluto
- Balatan ang sibuyas, Tusukin ang mga butil ng bawang.
- Kuskusan ang loob ng manok ng asin at ilagay sa loob ang sibuyas, bawang, luya,, butil ng paminta at lauel.
- Kuskusan din ng asin ang balat ng manok.
- Ilagay ang asin sa isang malaking kaserola at ayusin nang may 1 pulgadang kapal. Ilagay ang manok na nakasayad ang pitso sa asin.
- Huwag ididikit ang manok sa gilid ng kaserola.
- Takpan ang kaserola at lutuin nang 1 oras sa katamtamang init.
- Huwag aalisn ang takip habang niluluto.
- Kapag naluto na ang manok, tusukin ng malaking tinidor upang maiangat ang manok sa kaderong pinaglutuan.
- Ingatang huwag masira ang buong manok.
- Lagyan ng sarsa ang buong manok.
[baguhin] Paggawa ng sarsa
- Igisa ang dinikdik na bawang at luya sa mantika.
- Timplahan ng asin ayon sa panlasa.