Pinakbet
Mula sa Wikibooks
Sangkap [baguhin]
| 1 | tasa | liempo, hiniwang pakuwadrado |
| 1 | piraso | ampalaya, katamtamang laki, hiniwang 2" ang haba. |
| 5 | piraso | okra, hinati sa dalawa |
| 4 | piraso | kamatis, hiniwa sa 4-8 |
| 1 | piraso | sibuyas, hiniwa sa 4-8 |
| 3 | kutsara | bagoong isda |
| 1 | tasa | tubig |
Paraan ng pagluto [baguhin]
- Pamantikain ang liempo hanggang mamula-mula. Itabi.
- Ilagay ang mga gulay sa isang kaserola.
- Ikalat sa ibabaw nito ang kamatis, sibuyas at liempo.
- Timplahan ng bagoong at dagdagan ng tubig.
- Lutuin hanggang lumambot ang mga gulays.