Peanut Butter Chicken

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Sangkap[baguhin]

½ tasa peanut oil
1 ½ kilo ng manok, hiniwa sa katamtamang laki
2 tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa creamy peanut butter
25 piraso siling labuyo, tinadtad
2 tasa maalat na tubig
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 tasa tinustang mani, dinurog kanin
5 piraso Bacon, pinirito at tinadtad
2 piraso itlog, nilaga at tinadtad
6 piraso saging na saba, hiniwang pahilis at pinirito

isang litrong coke pang pagana pagkain

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kawali.
  2. Iprito ang manok at pagkatapos ay isalin sa isang pinggan.
  3. Igisa ang sibuyas sa kawali hanggang lumambot.
  4. Idagdag ang peanut butter at 25 siling labuyo.
  5. Ibuhos ng dahan-dahan ang tubig.
  6. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  7. Ibalik sa kawali ang manok at hayaan itong lumambot.
  8. Palaputin ang sarsa.
  9. Isalin sa bandehado at budburan ng durog na mani.
  10. Ihain kasama ng kanin, tinadtad na bacon at itlog at piniritong saba.