Pansit Palabok
Mula sa Wikibooks
Ingredients [baguhin]
Pasta [baguhin]
| 8 | glass | water |
| 1 | tasa | mongo sprout |
| ½ | kilo |
Sarsa [baguhin]
| 2 | kutsara | mantika |
| 2 | spoon | atsuete |
| 2 | tasa | katas ng hipon |
| 6 | kutsara | arina |
| ½ | tasa | tubig |
| 1 | kutsarita | asin |
| 1 | kutsarita | paminta pantimpla |
Palabok [baguhin]
| 1 | tasa | nilagang karne ng baboy, hiniwang pahaba |
| 2 | piraso | tokwa, pinirito at hiniwang pakuwadrado |
| ½ | tasa | hinimay na tinapa |
| ½ | tasa | dinurog na sitsaron |
| 2 | piraso | itlog, nilaga at hiniwa |
| ½ | tasa | hipon, nilaga at binalatan |
| ½ | tasa | tinadtad na sibuyas na mura |
| 1 | kutsara | prinitong bawang |
| 8 | piraso | kalamansi |
Paraan ng pagluto [baguhin]
Pansit [baguhin]
- Mapakulo ng tubig sa kaserola.
- Ilagay ang toge sa salaan at ipatong ang bihon.
- Ilubog sa kumukulong tubig at hayaang lumambot.
- Patuluin.
- Isalin sa bandehado.
Sarsa [baguhin]
- Sa isang kaserola, ipainit ang mantika kasama ng atsuete.
- Lutuin hanggang pumutok ang mga buto at magkulay pula ang mantika.
- Ibuhos ang katas ng hipon at pakuluin.
- Itunaw ang arina sa tubig.
- Ibuhos ang tinunaw na arina.
- Hayaang kumulo at lumapot.
- Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Paghahanda [baguhin]
- Ibuhos ang sarsa sa ibabaw ng pansit.
- Ilagay ang mga karne at tokwa sa ibabaw ng pansit.
- Budburan ng tinapa at sitsaron.
- Adornohan ang sibuyas na mura at bawang.
- Ihaing may kasamang kalamansi.