Tagalog/Pang-abay
Mula sa Wikibooks
|
Ang Pang-abay ay ang salitang naglalarawan o tumuturing sa pandiwa, panguri, o isa pang pang-abay. Ito ay tinatawag na Adverb sa wikang Ingles.
[baguhin] Hambingan ng Pang-abay
Ang mga antas ng paghahambing ng pang-abay at pang-uri ay magkatulad.
[baguhin] Lantay
Ito ay payak o karaniwan ang anyo ng pang-abay.
-
- Halimbawa:
-
- Si Jiann Jaramilo ay mahusay magluto ng adobo.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pahambing
Ito ay gumagamit ng salitang lalo o higit bago ang pang-abay at sinusundan pagkatapos ng kaysa.
-
- Halimbawa:
-
- Si Richie ay higit na mahusay magluto ng adobo kaysa kay Gina.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pasukdol
Ito ay gumagamit ng panlaping pinaka sa lantay na antas ng pang-abay.
-
- Halimbawa:
-
- Si Lara ang pinakamahusay magluto ng adobo sa magkakapatid.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Mga Gamit ng Pang-abay
[baguhin] Pariralang pang-abay
-
- Halimbawa:
-
- Nag-eensayo siya nang mabuti.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pariralang pang-abay na kaganapang pansimuno
-
- Halimbawa:
-
- Ang aming guro ay mahusay magturo.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Sugnay na pang-abay
-
- Halimbawa:
-
- Nakita ni Kate ang aso nang lumabas siya ng bakuran.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Wastong Gamit ng "NG"
-
- Nagpapapahiwatig ng pagmamay-ari o kaukulang paari.
-
- Halimbawa:
-
- ina ng bata
- takip ng bote
-
- Halimbawa:
-
- Ginagamit bilang pantukoy.
-
- Halimbawa:
-
- Naghahanda ako ng hapunan.
-
- Halimbawa:
-
- Ginagamit bilang pang-ukol.
-
- Halimbawa:
-
- Inayos ng mekaniko ang nasirang motor.
-
- Halimbawa:
-
- Nagpapakilala ng tuwirang layon.
-
- Halimbawa:
-
- Madalas maglaro ng kompyuter ang mga bata.
-
- Halimbawa:
-
- Nagpapakilala ng gumawa ng pandiwang balintiyak.
-
- Halimbawa:
-
- tinuruan ng guro.
-
- Halimbawa: