Palitaw
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 1 | tasa | arina |
| ¾ | tasa | tubig |
| ½ | tasa | niyog, kinayod |
| 1 ½ | tasa | asukal |
| ¼ | tasa | sesame seeds |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Gumawa ng masa sa pamamagita ng paghalo ng arina at tubig.
- Bilugin at piratin ng palad upang maging patag.
- Ihulog ang mga masa sa may kumukulong tubig.
- Alisin na ang mga ito kapag lumulutang na.
- Palamigin ng kaunti.
- Ipagulong ang palitaw sa pinaghalong asukal, pinagkayuran ng niyog at sesame seeds.