Paksiw na Pata

Mula sa Wikibooks

[baguhin] Sangkap

1 piraso pata (mga 1 kilo), hiniwa sa katamtamang laki
tubig
½ tasa suka
¼ tasa toyo
¼ tasa asukal na pula (brown sugar)
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 dahon laurel
1 kutsara oregano
2 butil bawang, dinikdik
½ tasa tuyong bulaklak ng saging, pinalambot sa tubig

[baguhin] Paraan ng pagluto

  1. Hugasan ang pata at ilagay sa kaserola.
  2. Lagyan ng sapat na tubig.
  3. Pakuluing minsan.
  4. Itapon ang unang pinagkuluan at magdagdag uli ng sapat na tubig.
  5. Idagdag ang suka, toyo, asukal na pula, pantimpla, laurel, oregano, bawang at bulaklak ng saging.
  6. Pakuluan at hayaang lumambot ng husto at magsarsa ang sabaw.
Mga kagamitang pansarili