Orange Glazed Kamote

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kilo kamote
1 tasa asukal
½ tasa tubig
¼ tasa mantikilya
¼ tasa katas ng 1 kahel
¼ tasa orange rind

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan at hiwain ang kamote ng pabilog sa kapal na 1".
  2. Banlian at patuluin,
  3. Pahiran ng mantikilya ang isang pang-hurnong lalagtan.
  4. Ilatag dito ang hiniwang kamote.
  5. Itabi pansamantala.
  6. Arnibalin ang asukal at tubig sa isang kaserola hanggang lumapot at mamula-mula.
  7. Idagdag ang mantikilya, katas ng kahel at ang ginadgad na orange rind.
  8. Ibuhos sa ibabaw ng kamote.
  9. Hurnuhin nang 20 minuto sa init na 325°F.
  10. Pahiran ng arnibal ang mga kamote ng ilang beses para hindi matuyo ang ibabaw.