Noli Me Tangere/Kabanata 43 : Mga Balak o Panukala

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala: Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon. Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang nilayasan ang pari.”

Talasalitaan[baguhin]

  1. Sinambit - nabanggit
  2. Namuhay nang matiwasay - payapa
  3. Pakutya - pag-alipusta

Pagsusuri[baguhin]

Maingat si Rizal sa pagsisiwalat kung sino si Padre Damaso sa buhay ni Maria Clara. Isang mahusay na manunulat. Ang hindi pagkakontento ay nag-uudyok sa iba na ipagkanulo ang kapwa Pilipino (nakita sa katauhan ni Lucas).