Noli Me Tangere/Kabanata 32 : Ang Panghugos

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

“Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.”

Talasalitaan[baguhin]

  1. Batong naihugos - naihulog
  2. Mabuway na gusali - mahinang uri
  3. Mahihinuha sa salita - mauunawaan

Pagsusuri[baguhin]

Sa pamamagitan ng salita ng alkalde na ang paaralan ay saligan ng lipunan at ito ang aklat na kinasusulatan ng kinabukasan ng bayan, inahayag ni Rizal ang kanyang paniniwala na ang edukasyon ay mahalaga paghubog sa pag-asa ng bayan - ang mga kabataan. Batid ni Rizal ang panganib ng pagpapahayag ng pagmamalasakit sa ayan. Alam niya na maaaring nangangahulugan ng kanyang buhay -sa tagpo nan maganap ang sakuna.