Noli Me Tangere/Kabanata 14 : Si Pilosopo Tasyo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Isang matandang lalaki ang malimit makitang nagpalibut-libot sa mga lansangan na waring walang tiyak na patutunguhan. Siya ay si Don Anastacio, na lalong kilala na Pilosopo Tasyo. Sa mga mangmang, siya'y Mang Tasyo o Baliw.

Anak siya ng mayaman. Siya'y pinag-aral ng kanyang mga magulang sa Kolehiyo ng San Jose. Dahil sa katalinuhan, pilit siya ipinatigil sa pag-aaral ng kanyang ina sa pangambang maklimot siya sa Diyos. Pinili niya ang mag-asawa kaysa sundin ang ina na magpari. 'Di pa man natatapos ang isang taon, nabalo siya at namutla. Upang mapaglabanan ang mga dagok ng kapalaran at masasamang hilig ng katawan tulad ng pagsasabong at katamaran, piniit niyang bumili ng aklat at magbasa. Napabayaan niya ang kanyang namana at unti-unting naubos ang kanyang kayamanan.

Nang hapong iyon ay may nagbabantang sigwa, matatalim na kidlat ang gumuguhit sa langit. Nakalimutan na nya ang mahiwagang pagkawala ng maputing bungo ng kanyang mahal na asawa na kanyang itinatago sa ilalim ng tuyong damo sa paanan ng Krus. Nang sandaling yaon ay may iniisip siyang magaganap dahil sa dilim na gumuguhit sa langit. Binati siya ng isang taong nakatsaketang alpaka, may hawak na bastong may borlas at may kipkip na maraming kandila.

"tila masaya kayo, Don Anastacio", Pangiting bati ng tao. "talaga po, Ginoong Kapitan." "May balak pa yata kayong maligo!" biro ng Kapitan. "hindi po makasasama ang gayon," pabiro ring tumugon ni Mang Tasyo, "higit doon ang hinihintay ko kapag gumuguhit ang matatalim na kidlat at kulog na maaring pumatay ng tao at makasunog ng bahay." Kinahalataan ng lihim na poot si Mang Tasyo.

"Bakit 'di pa ninyo hilinging magunaw ang mundo?"