Noli Me Tangere/Kabanata 13 : Mga Unang Banta ng Unos

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Buod[baguhin]

“Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementeryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampagita. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Padre Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang padre. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ni Padre Salvi sa huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso. ”

Tagpo[baguhin]

Sa sementeryo pa rin. Dumating si Ibarra hanap ang puntod ng ama. Ipinagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon ang bangkay sa lawa. Utos umano ito ni Padre Garote (si Padre Damaso rin ito). Bakas sa mukha ni Ibarra ang poot at galit sa dibdib.

Talasalitaan[baguhin]

  1. Binagtas- dinaanan
  2. Dinaluhong - sabay-sabay na hinahanap
  3. Sigwa - unos
  4. Nangangatal - nanginginig
  5. Nasindak - natakot
  6. Baliw - wala sa sarili/wala sa tamang pag-iisip
  7. Nitso - lapida
  8. Pari Garrote-paring nagpaparusa

Aral sa Kabanata[baguhin]

  1. Pinakita ang kahayupan ni Padre Damaso. (Huwag gayahin si Padre Damaso.)
  2. Pinakita dito na mali ang pakialaman ang pagmamay-ari ng iba.