Noli Me Tangere/Tauhan
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
[baguhin]Ito ang bida sa Noli me Tangere, kasintahan ni Maria Clara
Don Pedro Eibarramendia
[baguhin]Ang pangalan ng lolo sa paa ni Don Crisostomo Ibarra..
Kapitan Tiyago
[baguhin]Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra sa simula ng nobela.
Padre Damaso Verdolagas
[baguhin]Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Padre Salvi
[baguhin]Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangin kay Maria Clara. l
Maria Clara Delos Santos y Alba
[baguhin]Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Don Anastacio (Pilosopo Tasyo)
[baguhin]Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa sa mga makabayang Pilipino ng San Diego.
sisa
[baguhin]Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
[baguhin]Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes
[baguhin]Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego at naging asawa ni Dona Consolacion.
Donya Victorina
[baguhin]babaing nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Donya Consolacion
[baguhin]Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
Don Tiburcio de Espadaña
[baguhin]Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares
[baguhin]Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
[baguhin]Tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Señor Nol Juan
[baguhin]Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas
[baguhin]Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
[baguhin]Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
[baguhin]Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba
[baguhin]Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng
[baguhin]Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan Heneral
[baguhin]Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra
[baguhin]Ama ni cristomo ibarra.. nang siya ay nabubuhay pa ay siya ang pinakamayaman na tayo sa buong san diego
Don Saturnino
[baguhin]Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias
Mang Pablo
[baguhin]Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
Kapitan Basilio
[baguhin]Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng Santo Tomas.
Tenyente Guevarra
[baguhin]Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsasalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
[baguhin]Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla
[baguhin]Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
[baguhin]Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.