Noli Me Tangere/Kabanata 41
←Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan ←Paliwanag |
Kabanata 41: Dalawang Panauhin Paliwanag |
Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña→ Paliwanag→ |
Teksto
Dalawang Panauhin |
Dalawang Panauhin Dahil sa calagayan ng̃ calooban ni Ibarra'y hindi siya mangyaring macatulog, caya ng̃a't ng̃ upang libang̃in ang canyáng isip at ilayo ang mg̃a malulungcot na panimdim na lalong lumalaki ng̃ di cawasa cung gabí, nagtrabajo siyá, sa napag-iisang canyang "gabinete". Inabot siya ng̃ araw sa mg̃a paghahalohalo at pagbabagaybagay, na doo'y canyáng inilulubog ang capucaputol na mg̃a cawayan at mg̃a iba pa, na ipinapasoc pagcatapos sa mg̃a frascong may mg̃a número at natatacpan ng̃ lacre. Ipinagbigay alam ng̃ isang alilang lalaking pumasoc ang pagdating ng̃ isang taong bukid. —¡Papasukin mo!—ang canyáng sinabi, na hindi man lamang luming̃on. Pumasoc si Elías, na nanatili sa pagcatindig at hindi umiimic. —¡Ah! ¿cayo po ba?—ang biglang sinabi ni Ibarra sa wicang tagalog, ng̃ siya'y canyang makita;—ipagpaumanhin po ninyó ang aking pagca pahintay sa inyó, hindi co napansin ang inyóng pagdating: may guinagawa acong isang mahalagang pagtikim.... —¡Ayaw co pong cayo'y abalahin!—ang isinagot ng̃ binatang piloto; ang unang ipinarito co'y upang sa inyo'y itanong cung cayo'y may ipagbibiling ano man sa lalawigang Batang̃ang aking patutung̃uhan ng̃ayon din, at ang icalawa'y upang sabihin co po sa inyo ang isang masamang balita.... Tinanong ni Ibarra ng̃ mata ang piloto. —May sakit po ang anac na babae ni capitang Tiago,—ang idinugtong ni Elias ng̃ sabing mahinahon,—datapuwa't hindi malubha. —¡Iyang na ng̃a ang aking ipinang̃ang̃anib!—ang sinabi ng̃ marahan,—¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang sakít? —¡Lagnat po! Ng̃ayon, cung wala cayong ipag-uutos.... —Salamat, caibigan co; hinahang̃ad cong cayo'y magcaroon ng̃ maluwalhating paglalacbay ...; datapuwa't bago cayo umalis, itulot po ninyo sa aking sa inyo'y macapagtanong ng̃ isa; cung sacali't lihís sa tapat na pag-iing̃at ng̃ lihim ay huwag cayong sumagot. Yumucod si Elias. —¿Paano ang inyong guinawa't inyong nasansala ang panucalang gulo cagabi?—ang tanong ni Ibarra na tinititigan si Elias. —¡Magaang na magaang!—ang isinagot ni Elias ng̃ boong cahinhinan;—ang namamatnugot ng̃ gayong kilusa'y magcapatid na nang̃ulila sa ama na pinatay ng̃ guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa mg̃a camay rin ng̃ mg̃a iyong umamis sa buhay ng̃ canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin ng̃ utang na loob ang dalawa. Sa canila, aco nakiusap cagabi, at sila naman ang sumaway na sa mg̃a iba. —¿At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?... —Ang cahahanggana'y cawang̃is din ng̃ ama,—ang isinagot ni Elias ng̃ marahang tinig;—pagca minsang tinatacan na ng̃ casacunaan ng̃ canyang tanda ang isang mag-anac, kinacailang̃ang mamatay ng̃a ang lahat ng̃ bumubuo ng̃ mag-anac na iyan; pagca tinatamaan ng̃ lintic ang isang cahoy ay naguiguing alaboc na lahat. At sa pagca't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y nagpaalam. Ng̃ nag-iisa na siya'y nawala ang anyong panatag ang loob na canyang naipakita sa harap ng̃ piloto, at nang̃ibabaw sa mukha ang sákit ng̃ canyang loob. —¡At aco! ¡acó ang nagpahirap ng̃ di ano lamang sa babaeng iyan!—ang ibinulong. Dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan. Bumati sa canyá ng̃ boong capacumbabaan ang isáng maliit na lalaking nacasuut ng̃ lucsa at may isáng malaking pilat sa caliwang pisng̃i, at pinahinto siyá sa paglacad. —¿Ano ba ang ibig ninyó?—ang tanong ni Ibarra. —Guinoo, Lucas ang aking pang̃alan, acó ang capatid ng̃ namatay cahapon. —¡Ah! ¡Inihahandog co sa inyó ang pakikisama sa inyóng pighati!... at anó pa? —Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac na nang̃ulila sa aking capatid. —¿Ibabayad?—ang inulit ng̃ binata, na di napiguil ang sama ng̃ canyang loob;—pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó ng̃ayon hapon, sa pagca't nagmamadali acó ng̃ayón. —¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad!—ang pinipilit itanong ni Lucas. —¡Sinabi co na sa inyóng mag-uusap na tayo sa ibang araw, ng̃ayo'y wala acong panahon!—ani Ibarrang naiinip. —¿Wala po cayong panahón ng̃ayón, guinoo?—ang tanóng ng̃ boong saclap ni Lúcas, na humalang sa harapan ni Ibarra;—¿wala cayong panahon sa pakikialam sa mg̃a patay? —¡Pumarito na cayó ng̃ayong hapon, cung ibig ninyóng magbigay-loob!—ang inulit ni Ibarrang nagpipiguil;—ng̃ayo'y dadalawin co ang isáng taong may sakít. —¡Ah! ¿at dahil sa isang babaeng may sakit ay linilimot po ninyo ang mg̃a patay? ¿Acala ba ninyo't cami'y mg̃a ducha'y?... —Tinitigan siya ni Ibarra at pinutol ang canyang pananalita. —¡Huwag po sana ninyong piliting ubusin ang aking pagtitiis!—ang sinabi ni Ibarra at ipinagpatuloy ang canyang paglacad. Sinundan siya ni Lucas ng̃ titig na may calakip na ng̃iting puspos ng̃ pagtatanim ng̃ galit. —¡Napagkikilalang icaw ang apo ng̃ nagbilad sa arao sa aking ama!—ang ibinulong;—¡taglay mo pa ang gayon ding dugo! At nagbago ng̃ anyo ng̃ pananalita, at idinugtong: —¡Datapuwa, cung magbayad ca ng̃ magaling ... tayo'y magcatoto! |
Teksto (Baybayin)
Ito ay nakasulat sa Baybayin. Kapag wala kang makita o puro kahon lamang, maaaring hindi naka-install ang font para sa Baybayin. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang Wikibooks:Baybayin. |
Iba pang pamagat
Latin
- Dalawang Dalaw
- Ang Dalawang Panauhin
- Dalawang Dalawa