Nilupak na Cassava
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 3 | kilo | kamoteng kahoy |
| 2 | lata | gatas na kondensada |
| 2 | guhit | kinudkod na niyog (200 gramo) |
| 4 | kutsara | mantikilya, tinunaw |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Balatan at hiwain ng pakuwadrado ang kamoteng kahoy.
- Pakuluan hanggang maging pino at hindi soggy.
- Durugin o kaya i-blender.
- Pagkatapos durugin, ilipat ito sa kaserola.
- Ilagay ang gatas, kinudkod na niyog at mantikilya.
- Haluin maigi habang nakasalang sa mahinang apoy ang kalan.