Minatamis na Saba

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 tasa asukal
3 tasa tubig
6 piraso saging na saba, hinati sa apat

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluin ang tubig at isama ang asukal.
  2. Pakuluin ng 10 minuto hanggang matunaw ang asukal at lumapot ang arnibal (caramel).
  3. Isama ang saging sa arnibal at hayaang maluto.
  4. Palamigin.


Maaring samahan ng 1 tasang dinurog na yelo at ½ tasang gatas ebaporada para maging saging con hielo.