Maruyang Saging
Mula sa Wikibooks
| 6 |
piraso |
saging na saba |
| 1 |
tasa |
arina |
| 1 |
kutsara |
baking powder |
| 3 |
kutsara |
asukal |
| 2 |
kutsara |
atsuwete |
| 3 |
tasa |
mantika |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Papulahin ang tubig sa pamamagitan ng katas ng atsuwete.
- Paghaluin ang arina, baking powder at asukal.
- Ibuhos nang unti-unti ang tubig na pinapula ng atsuwete. Habang ibinubuhos ay haluin upang magpantay ang pagkakalapot ng arina.
- Ihelera sa platitong malaki ang tatlong hiwa ng saging. Sa bawat saging ay hiwain nang pakuwadrado at manipis.
- Buhusan sa ibabaw ang 3 kutsara na tinunaw na arina.
- Magpakulo ng maraming mantika sa kawali at magtakal ng ⅓ tasang maruya. Prituhin hanggang maluto at lumutong nang bahagya.
- Haguin ang patuluin. Budburan ng kaunting asukal sa ibabaw.