Lunas sa ubo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang ubo ay bunga ng pagbabara ng daanan ng hangin at brongkitis.

Paggamot ng Tubig[baguhin]

  • Pomentohan ang likod at dibdib. (Paraan)
  • Paglanghap ng singaw. (Paraan)

Paggamot ng Halaman[baguhin]

Lagundi[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na kutsarang tinadtad na tuyong dahon o kaya ay 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: ½ baso, 3 ulit maghapon.
Bata: (7-12 taon) : ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
(2-6 taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.

Oregano[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Bata: (7-12 taon) : ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
(2-6 taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
Sanggol: 1 kutsarita, 3 ulit maghapon.

Mansanilya[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na tuyong dahon at bulaklak o kaya ay 1 ½ tasa ng sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: ½ baso bawat 4 na oras.
Bata: (7-12 taon) : ¼ tasa, bawat 4 na oras.
(2-6 taon) 2 kutsara bawat 4 na oras.
Sanggol: 1 kutsarita bawat 4 na oras.

Kantutay[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Bata: (7-12 taon) : ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
(2-6 taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon.
Sanggol: 1 kutsarita, 3 ulit maghapon

Alagaw[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. Salain at pigaan ng 2 kalamansi. Haluan ng 1 kutsarang asukal.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: ½ tasa bawat 4 na oras.
Bata: (7-12 taon) : ¼ tasa, bawat 4 na oras.
(2-6 taon) 2 kutsara bawat 4 na oras.
Sanggol: 1 kutsarita bawat 4 na oras.