Lunas sa sakit ng ngipin

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang sakit ng ngipin ay anumang kirot o pananakit sa palibot ng ngipin.

  Nuvola apps important yellow.svg PAHIWATIG: Ang mga lunas na ito ay pansamantala lamang. Magpatingin sa lisensyadong dentista para sa mga nararapat na lunas.

Mga nilalaman

Paggamot ng Tubig[baguhin]

  • Magsepilyo ng ngipin tuwing matapos kumain. Pagkatapos magsepilyo, imasahe ang mga malilinis na daliri sa mga gilagid.
  • Lapatan ng yelong nakabalot ng damit sa loob ng 30 minuto ang namamagang pisngi dahil sa pamamaga ng mga gilagid. (Paraan)
  • Ang mga lunas na ito ay pangsamantala lamang. Kumunsulta sa lisensyadong dentista para sa mga sira ng ngipin.
  • Makipag-ugnayan sa lisensyadong dentista.
  • Minsan sumasakit ang ngipin natin lalo na ng mga bata hindi maiiwasan yan. Minsan ang akala natin ang masakit sa atin ay ngipin pero ang sumasakit po minsan ay yung gilagid na pinagkakabitan ng ngipin iyon po ang sumasakit makabubuting ipatingin po na ninyo sa doctor yan.

Ang isang sakit ng ngipin ay yung merong butas mismo sa ngipin lalo na pag nasisingitan ng kanin lalong sumasakit. Ang mabisang paraan po dito lalo sa mga bata pag inaatake ng sakit ng ngipin magmumog po kayo ng pinakuluang talbos ng dahon ng bayabas. Hugasang mabuti ang talbos ng bayabas bago pakuluan pagkatapos palamigin ng konti yung maligamgam maglagay sa baso ng pinagkuluan lagyan ng asin medyo alatan ng konti dahil nakakatulong yung alat then imumog po ninyo lalo sa parte kung saan sumasakit ibabad po ng bahagya yung mumog sa ngipin then iluwa huwag po iinumin imumog lang then mumog uli, imumog ng imumog po hanggat maligamgam yung tubig. Habang minumumog po yung maligamgam sadya pong masakit dahil pinapatay po ng tubig yung virus na nasa loob ng ngipin tiisin lang po ang sakit habang minumumog dahil in one minute mawawala napo ang sakit ng ngipin ng anak ninyo or kahit kayo. Taon ang palilipasin bago umulit muli. Mga natral medcne lang po ito walang masama dahil ang dahon ng bayabas ay isang gulay din. Sana makatulong sa inyo, ito po ang ginagawa ko sa aking pamilya.

Paggamot ng Halaman[baguhin]

Abukado[baguhin]

  • Humiwa ng maliit na piraso ng buto ng abukado na lalapat sa butas ng ngipin.
  • Gamiting pamasak sa butas ng ngipin. Palitan 2 beses maghapon.

Bawang[baguhin]

  • Humiwa ng maliit na piraso na sapat sa butas ng ngipin.
  • Ipasak sa butas ng ngipin. Gawin 2 beses maghapon.

Kataka-taka[baguhin]

  • Magdurog ng mga dahon.
  • Itapal sa namamagang bahagi ng mukha.

Herba Buena[baguhin]

  • Magdikdik ng mga sariwang dahon at katasin. Basain ng katas ang isang maliit na piraso ng bulak.
  • Ipasak ang bulak sa butas ng ngipin.