Lunas sa masakit na lalamunan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang sakit ng lalamunan ay pagbabara o pamamaga nito na bunga ng tonsilitis, pharyngitis o laryngitis.

Paggamot ng Tubig[baguhin]

  • Magmumog ng mainit na tubig na may asin, 3 ulit maghapon bago kumain ng agahan, tanghalian, at bago matulog sa gabi. (Paraan)
  • Maglagay ng nagpapainit na pomento sa pagtulog sa buong magdamag Ulltin sa umaga kung ang pasyente ay mananatili sa tahanan. (Paraan)
  • Lumanghap ng pasingaw, 2 ulit maghapon — isa sa umaga bago kumain at bago matulog sa gabi.
  • Kung maaari, ipahinga ang boses hanggang ang pamamaga ay mapawi.

Pagmumog ng makabagong gamot tulad ng BACTIDOL[baguhin]

  • Maglagay ng kaunting bactidol sa bibig,medyo kalahati ng bibig at mumugin ito ng 30 segundo.
  • Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa gabi bago matulog.
  • Para lamang ito sa 12 yrs. old pataas ang bactidol.