Lunas sa hika

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang hika ay karamdaman ng tubong daanan ng hininga. Ang mga palatandaan nito ay paninikip ng dibdib, pangangapos ng hininga, at pag-ubo.

Paggamot ng Tubig[baguhin]

  • Pomento sa dibdib. 2 ulit sa loob ng isang araw. (Paraan)
  • Lumanghap ng singaw, 2 ulit maghapon. (Paraan)

Ehersisyo sa Paghinga[baguhin]

  • Mag-ehersisyo sa paghinga sa loob ng 10 hanggang 15 minuto kung walang atake ng karamdaman. 4 na ulit maghapon.
  • Umupo nang naka-relaks sa isang luklukan, na may unan ang likod.
  • Huminga ng paloob sa pamamagitan ng ilong. Ibuka nang kaunting pabilog ang mga labi at bumuga nang tila bumubuga sa pamamagitan ng isang istro. Bumuga ng dalawang ulit pagkatapos na huminga nang paloob. Utay-utay na dagdagan ang pagbuga.
  • Magrelaks pagkatapos bumuga at huminga ng karaniwan nang tatlo hanggang apat na ulit, bago ulitin ang paraan sa itaas. Maaari itong gawin sa umaga pagkagising o kaya ay sa gabi bago matulog. Maaari rin itong gawin kapag kinakapos ng hininga samantalang gumagawa ng ibang gawain.

Paggamot ng Halaman[baguhin]

Talumpunay[baguhin]

Leonurus cardiaca scan01.jpg Magbilot ng 2 tuyong dahon.
  Cohiba Lanceros.jpg Sindihan ang kabilang dulo at hithitin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras.

arrrra

Kalatsutsi[baguhin]

Leonurus cardiaca scan01.jpg Magbilot ng 2 tuyong dahon.
  Cohiba Lanceros.jpg Gamiting tulad ng sigarilyo, isa sa umaga at isa sa hapon.
sumindi ng marijuana pag katapos humiga ng 15 minuto at pakiramdaman ito.

Sampalok[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Kumuha ng balat ng puno ng sampalok na isang at pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at bago matulog.
Bata: ½ tasa, 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog).
Sanggol: 2 kutsarita. 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog).

Kulitis[baguhin]

Erlenmeyer flask Icon.svg Pakuluan ng 10 minuto ang tinadtad na 5 murang tangkay na may kasamang bulaklak at dahon sa 5 basong tubig.
  Crystal Clear app kteatime.png Dosis:
Matanda: 1 tasa, 4 na ulit isang araw.
Bata: ½ tasa. 4 na ulit maghapon.
Sanggol: 2 kutsarita, 4 na ulit isang araw.
  Start hand.svg PAHIWATIG: Ang paggamot na ito ay lalong mabuti sa labis na paglabas ng plema.