Lunas sa alipunga

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang alipunga ay pamumutok ng balat na may pamumuo ng maliliit at makating tila butlig, at pangangaliskis ng kamay at paa, tangi na sa pagitan ng mga daliri ng paa.

Mga Pag-iingat[baguhin]

  • Panatilihing laging malinis at tuyo ang mga paa at daliri nito.
  • Laging magsuot ng malinis at tuyong medyas at sapatos.
  • Laging gumamit ng sariling tsinelas, bakya, sapatos at medyas. Huwag bayaang gamitin ng iba ang mga kagamitang ito.
  • Huwag magyapak sa loob ng banyo. Gumamit ng sariling pansapin sa paa sa mga paliguang pangmadla.
  • Kung kayo ay may alipunga, ibilad ang inyong mga pansapin sa panahong hindi ginagamit, isang oras bawat araw sa loob ng isang linggo.

Paggamot ng tubig na may kasamang halaman[baguhin]

  • Mainit na tubig sa paa na may kasamang baging ng Makabuhay
  PharmacistsMortar.svg Magtadtad ng isang talampakang haba ng baging at pakuluin sa 5 basong tubig sa loob ng 15 minuto.
Bowl (PSF).jpg Ibabad ng 15 minuto ang paang may karamdaman o kaya ay hanggang matitiis. Samantalang nakababad ang paa, kuskusin ng bulak ang pagitan ng mga daliri nito, na inaalis ang patay na balat at pinipisa ang mga butlig. Panatilihing nakababad sa loob ng 10 pang minuto pagkatapos na maalis ang patay na balal. Ibabad ang paa 2 ulit isang araw kung malubha ang impeksyon. (Paraan).
  Nuvola apps important yellow.svg PAG-IINGAT: Ang alipunga ay totoong nakahahawa. Nalalalinan nito ang mga daliri at ang isa pang paa. Ang tuwalyang ginamit na pangpatuyo sa paa at mga daliri ay di dapat gamitin na pantuyo sa ibang bahagi ng katawan. Gumamit ng bulak na pandampi sa pagtuklap ng langib. Hugasang mabuti ang palanggana na pinagbabaran.

Paggamot ng Halaman[baguhin]

Akapulko[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Magdikdik ng murang dahon at katasin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Lagyan ng katas ang pagitan ng mga daliri at iba pang bahaging may kapansanan pagkatapus banyusan ang mga ito ng tubig na may makabuhay.

Kamantigue[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Magtadtad ng mga bulaklak.
  Purple-nitrile-glove.jpg Itapal sa bahaging may kapansanan pagkatapos mabanyusan ang paa.

Balanoy[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Magtadtad ng dahon at katasin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Lagyan ng katas ang may kapansanang bahagi pagkatapos ng mahugas.

Kanya Pistula[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Magdikdik ng murang dahon at katasin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Lapatan ang bahaging may kapansanan pagkatapos hugasan ng pinakuluang makabuhay.

Labanos[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Magtadtad ng labanos at katasin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Lapatan ang bahaging may kapansanan, 2 ulit maghapon.

Bawang (sa pangangati)[baguhin]

PharmacistsMortar.svg Balatan ang isang puso ng bawang at tadtarin.
  Purple-nitrile-glove.jpg Kuskusin ang nangangating bahagi, 2 ulit sa loob ng isang araw.