Krema ng Sopas na Pipino
Mula sa Wikibooks
Sangkap[baguhin]
| 3 | katamtamang laki | ng pipino |
| 3 | kutsara | mantikilya |
| 1 | tasa | harina |
| 6 | tasang | binantuang gatas (3 tasang gatas evaporada at 3 tasang tubig) |
| 2 | binating pula ng itlog | |
| 1 | kutsarita | asin |
| 1 | pakete | soda crackers |
Paraan ng pagluto[baguhin]
- Talupan ang mga pipino, hati-hatiing pahaba, alisin ang mga buto at saka hiwain ng maninipis.
- Tunawin ang mantikilya sa lutuan at lutuin ang mga pipino hanggang sa nanganganinag subali't hindi mapula.
- Ilahok ang harina at haluing mabuti.
- Unti-unting idagdag ang gatas patuloy na hinahalo.
- Salain ang niluluto sa salaan at pakuluin uli sa lutuan.
- Lagyan ng kaunting asin.
- Alisin sa apoy at ilagay ang binating pula ng itlog.
- Ihain kasama ng soda crackers.