Kare-kare (baboy)

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 kilo pata ng baboy, hiniwa sa katamtamang laki at pinalambot.
3 kutsara mantika
8 butil bawang, tinadtad
1 piraso katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa
1 kutsarita patis pantimpla
tasa dinurog na mani
tasa dinurog na tinustang bigas
1 kutsara katas ng atsuete
2 piraso talong, hiniwang pahilis
1 tungkos sitaw, hiniwang 3" ang haba
1 piraso maliit na puso ng saging, hiniwa
½ tasa bagoong alamang guisado

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Timplahan ng patis ayon sa panlasa.
  3. Idagdag ang dinurog na mani at bigas.
  4. Ibuhos ang sabaw ng pata.
  5. Kulayan ito ng katas ng atsuete.
  6. Pakuluin at isama ang pinalambot na pata.
  7. Pakuluan hanggang lumapot ang sabaw.
  8. Isama ang mga gulay at palambutin.
  9. Ihain kasama ng ginisang bagoong alamang.