Kalamay na Pinipig
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 3 | tasa | pinipig |
| 1 | tasa | gata |
| 2 | tasa | kakang gata |
| 1 ½ | tasa | asukal |
[baguhin] Budbud
| 1 | tasa | sapal |
| ¾ | tasa | asukal |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Ibabad ang pinipig sa gata nang 30 minuto.
- Sa kawali, pakuluan ang kakang gata kasama ng asukal.
- Paglapot ay idagdag ang pinipig. Haluing tuloy-tuloy hanggang maging malapot at madikit.
- Isalin sa lyanera o bilao na sinapinan ng dahon ng saging.
- Itusta ang sapal at asukal hanggang pumula at lumutong.
- Ibudbod sa kalamay.