Isang Kurso sa Arkitektura
Unang Salita
[baguhin]Hindi ito sadyang maging kumpletong aklat na sasaliksikan para sa malalim na kaalaman ukol sa Arkitektura. Bagkus, ito ay magiging study guide para sa mga Pilipinong kumukuha ng kursong BS Architecture: bilang repositoryo ng pang-akademikong kaalamang Arkitektura na angkop sa ating bansa, bilang paghahanda sa board exam na balang araw ay haharapin din ng bawat mag-aaral, at upang ihandog ang mga natututunan mula sa paaralan at itala ang mga ito. Maaari ninyo itong isipin na parang notes, pang-review, kasabwat ng mga estudyante sa kanilang limang-taong pagtatahak.
Para naman sa lay reader, sana po mula sa librong ito ay may sumama sa inyong appreciation sa mga gusaling nakikita natin araw-araw. Ang bawat isa sa mga ito ay may kuwento, at ang lahat ng parte ng nilikha rito ay may silbi. Nakalaan din dito ang ating kultura, pamumuhay, at pagkatao (kahit humihiram tayo ng impluwensiya mula sa mga Espanyol at Amerikano, nahuhubog pa rin ang ating arkitektura bilang sariling atin!). Sa susunod, kapag nakakita kayo ng isang istraktura, maaari ninyong masabi, "A, kaya pala ganito ang pagkagawa dito; angkop ito sa pangangailangan ng mga gumagamit!"
Mukhang mahahaluan din ang aklat na ito ng Ingles, lalo na sa terms. Ang mga pagsusulit pagkatapos ng ilang kabanata ay magkakaroon din siguro ng bersyon sa Ingles, dahil ang board exam ay nasa Ingles.
Ako rin po ay isang estudyante pa lamang. Sa mga nakalaan, nag-aanyaya po ako na itama ninyo ang anumang mali, pagandahin pa ang libro at makidagdag sa nilalaman nito. Sa atin rin ito.
Mga Paksa
[baguhin]Arkitektura
[baguhin]Paano magdisenyo ng bahay, ng tindahan, ng gusali? Mga gabay sa pagplano, sa ikagiginhawa ng mga gagamit ng istraktura. Aplikasyon ng mga itinatalakay sa TOA, tulad ng Site Planning, Circulation, Design Process, at marami pang iba.
- Architectural Interiors / Interior Design
- Architectural Science (ArSci)
- Building Technology / Building Materials
- History of Architecture (HOA)
Anu-anong mga gusali ang humubog sa Arkitektura upang maging ganito ito ngayon? Ano ang mga paraan ng mga nakaraang tao upang iresolba ang kanilang pangangailangan?
- Theory of Architecture (TOA)
Ang mga kunseptong humuhubog sa larangan ng Arkitektura. Ano ang Arkitektura? Anu-ano ang klase ng mga gusali sa ating paligid? Paano? Bakit? Ang essence ng Arkitektura ay sinusubukang ihayag dito.
Teknikal
[baguhin]Ang wika ng mga inhinyero. Anu-ano ang kinasasanayan ng mga arkitekto upang maintindihan ang kanilang mga ideya sa buong mundo? Kasama dito ang manual drafting at ang paggamit ng CAD.
Black-and-white at color rendering, na similar sa unang taon ng kursong Fine Arts. Gumuguhit gamit ng lapis, nagpipinta, natututong tumingin sa detalye at nagiging matiyaga sa paggawa.
Mga Batas
[baguhin]Itong mga batas ay sinusunod ng arkitekto sa kanilang mga gawa upang ikaginhawa ng mga tao. Dito'y lalagyan ng outline ng Building Code of the Philippines, atbp., pati ng anumang makatutulong, upang ikaginhawa ng mga nagrerebyu nito. Ito ay dapat na kaakibat sa pag-iintindi at pagmememorya sa mga batas, at hindi maging kaisa-isang reference.
- BP 220 - Rules and Standards on Economic and Socialized Housing
- BP 344 - Law to Enhance the Mobility of Disabled Persons
- PD 1096 - National Building Code of the Philippines
- PD 957 - Condominium and Subdivision Properties Protective Buyers' Law
- RA 9514 - Fire Code of the Philippines
Karagdagang Babasahin
[baguhin]Mga libro
[baguhin]Mga teksbuk na regular para sa mga mag-aaral, na kumprehensibong saliksikan sa larangan.
Pangkalahatan
[baguhin]- Mga libro ni George S. Salvan, na angkop sa inaaral sa mga paaralan ng Architektura dito
- Mga libro ni Francis D. K. Ching, lalo na ang A Visual Dictionary of Architecture
Curricula
[baguhin]Listahan ng mga paksang itinuturo sa iba't ibang paaralang may kursong BS Architecture.
- Adamson University
- Central Colleges of the Philippines (opisyal)
- Technological Institute of the Philippines
- University of the Philippines - Diliman (opisyal)
Mga link
[baguhin]Balita
[baguhin]Mga blog
[baguhin]Inspirasyon
[baguhin]- Pangkalahatan
- Interior Design
(Hindi kasama sa libro) Mga tala sa pag-eedit
[baguhin]- Dumagdag ng mga litrato