Ibong Adarna/Tauhan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Awit at Korido Tauhan
Panimula
Paliwanag

Mga nilalaman

[baguhin] Mga sangkatauhan

[baguhin] Mga Karakter

[baguhin] Don Diego

si don diego ay ang pangalawa sa magkakapati. siya ay sumangayon sa balak ni Don Pedro sa tangkang pagpatay kay Don Juan.

[baguhin] Don Juan

Si Don Juan ang pangatlo at pinakamatapang sa magkakapatid. sa tatlong anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana ng Kahariang Berbanya. Siya ang paboritong anak ng hari.Siya rin ang nakahuli sa ibong adarna na s'yang lunas sa sakit ng hari.

[baguhin] Donya Maria Blanka

Si Donya Maria ang tunay na minamahal ni Don Juan. pag-ibig ni Don Juan na bunso na prinsesa ng Reino de los Crystales.May kapangyarihan na tinatawag na Mahika Blanka ang tumulong kay don juan upang makalagpas sa pagsubok na ibinigay ni haring salermo

[baguhin] Don Pedro

ang pinakamatandang anak ni haring fernando at reyna valeriana. ang naging asawa ni prisesa leonora at ang humaliling haring ng berbanya

[baguhin] Haring Fernando

Ang ama nila Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Siya ay nagkasakit kaya hinanap ng mga anak niya ang Ibong Adarna.

[baguhin] Reyna Valeriana

Si Reyna Valeriana ang ina ni Don Juan, Don Pedro at Don Diego, kabiyak ni Haring Fernando at reyna ng Kahariang Berbanya.walang papangalawa sa ganda

[baguhin] Ermitanyo sa bundok tabor

Ermitanyo na nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal ang kanyang mga kapatid

[baguhin] Prinsesa Leonora

Si Prinsesa Leonora ang prinsesa na nakatago sa ilalim ng bangin na binabantayan ng serpyenteng may pitong ulo. Unang pag-ibig ni Don Juan. May gusto sa kanya si Don Pedro.

[baguhin] Donya Juana

Si Donya Juana ang nakatatandang kapatid ni Leonora. Binabantayan siya ng isang higante. Napangasawa ni Don Diego.

[baguhin] Haring Salermo

Siya ang hari ng Reyno de los Crystales at ama ni Donya Maria.

[baguhin] Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon na matapos kumanta at magpalit ng anyo ng pitong beses ay nagbabawas at sinuman ang mapatakan ay magiging bato. Ito ang tanging paraan para lang magamot ang malubhang sakit ni haring Fernando.at makikita ito sa piedras platas o sa ingles silverstone.