Ibong Adarna/Kabanata 17 : Paghihiganti ni Doña Maria

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Kamalian sa pagpapahayag: Hindi inaasahang bantas na tagapagsagawa (operator) ng < [[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}|{{{A}}}]]
([[Ibong Adarna/Kabanata {{{2}}}/Paliwanag|Paliwanag]])

Kamalian sa pagpapahayag: Hindi nakikilalang panitik na pangpalabantasang "{"



Buod[baguhin]

Tatlong araw ang lumipas ngunit 'di pa nagbalik si Don Juan. Dahil dito, naisip ni Doña Maria na siya'y nalimot na ng mahal. Araw na ng kasal ni Don Juan at Doña Leonora. Si Doña Maria naman ay nakahanda nang maghiganti. Dadalo siya sa kasal sakay sa napakagandang karosa at nakabihis ng damit pang-emperatris. Pagdating sa palasyo ay binigyan siya ng isang marangal at mainit napagsalubong ng buong kaharian.

Bago magsimula ang kasal ay hiniling ng prinsesa na magsagawa ng isang palabas. Pinahintulutan naman ito ni Haring Fernando. Isang praskong mayroong dalawang mag-asawang ita ang inilabas ni Doña Maria. Ang mga ita ay umiindak at sumasayaw kasabay ng tugtog. Matapos nito ay tinawag ng negrita ang negrito na Don Juan wari'y pinaaalala nito ang mga nakaraan nila ni Doña Maria, sabay hampas sa likod ng negrito. Habang nagaganap ang palabas, wala paring naaalala si Don Juan hanggang sa natapos ito.

Sa galit ay kinuha ni Doña Maria ang prasko upang basagin at munawin ang reyno. Doon lamang naliwanagan ang prinsipe at nakilala ang kanyang mahal na si Doña Maria. Agad niya itong niyakap at hiningan ng kapatawaran sa paglimot niya nito. Doon din ay iniharap at ipinakilala ni Don Juan sa kanyang mga magulang si Doña Maria - ang babaeng kanyang pakakasalan. Hindi naman makakapayag si Leonora na mawala sa kanya si Don Juan. Isinalaysay niya ang lahat ng mga pangyayari, kung paano sila nagkakilala at nag-ibigan na humantong sa pitong taon na pagdurusa at paghihintay niya kay Don Juan.

Sa kanyang mga narinig ay ipinasya na si Leonora ang ikakasal sa kanyang anak. Gayundin ang hatol ng arsobispo. Nagalit si Doña Maria at ibinuhos ang tubig mula sa prasko. Ang buong kaharian ay nasmdak at nalagay sa panganib. Kumilos naman kaagad si Don Juan, upang maibsan ang galit ng prinsesa. Nilapitan niya ang arsobispo, at nagpahayag na si Doña Maria ang tunay niyang minamahal. Nagpaliwanag siyang hindi niya nais na maging hadlang sa kaligayahan ng kapatid niyang si Don Pedro na siyang tunay na umiibig kay Prinsesa Leonora. Ibinalik ni Don Juan ang singsing kay Leonora. Lubos siyang nagpasalamat sa prinsesa sa lahat ng tulong nita noong naiwan siya sa balon. Dahil kay Leonora ay nanatiling buhay si Don Juan.