Halabos na Hipon
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| ½ | kilo | malalaking hipon |
| ¼ | tasa | tubig |
| 1 | kutsarita | asin |
| 1 | kutsara | mantika |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Ilagay ang hipon, tubig at asin sa kawali.
- Takpan at hintaying kumulo.
- Haluin paminsan-minsan at hayaang pumula.
- Hintaying matuyuan.
- Magpainit ng mantika sa isang kawali.
- Sankutsahin ang hipon.
- Ihain kasama ng sawsawang suka.