Ginumis

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kilo panutsa
2 tasa tubig
3 kutsara lutong sago
3 kutsara tinustang pinipig
3 kutsara gulaman, hiniwang pakuwadrado
½ tasa kakang gata
2 tasa kinaskas na yelo

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Sa kaserola, iluto and panutsa sa tubig hanggang matunaw nang husto.
  2. Salain.
  3. Ibalik sa apoy at lutuin hanggang lumapot na parang arnibal.
  4. Palamigin.
  5. Sa mataas na baso, maglagay ng kaunting sago, pinipig at gulaman.
  6. Magdagdag ng kakang gata at arnibal.
  7. Punuin ng kinaskas na yelo.