Ginataang Halo-Halo
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| ¼ | kilo | galapong |
| 4 | tasa | gata |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na kamote |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na gabi |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadrado na ube |
| 4 | piraso | saging na saba, hiniwang pahilis |
| ½ | tasa | pira-pirasong langka |
| 1 | tasa | kakang gata |
| 1 | tasa | asukal ayon sa panlasa |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Magtabi ng ¼ tasa ng galapong para pampalapot.
- Ang iba'y ihugis na bola-bola para maging bilo-bilo.
- Ibuhos ang gata sa kaserola.
- Pagkulo ay idagdag ang kamote, gabi at ube.
- Paglambot ay isama ang saging, langka at bilo-bilo.
- Timplahan ng asukal o nais na flavoring tulad ng vanilla, pandan o anis.
- Palaputin ng galapong na tinunaw sa kaunting gata.
- Pakuluin.
- Ihaing may kasanlang kakang gata.