Florante at Laura/Kabanata 19/Paliwanag

Mula sa Wikibooks

Dakilang Pagpapasakit
Paliwanag
Kagandahang Makalangit
(Paliwanag)

Luha ng Pagmamahal
Paliwanag

Mga nilalaman

Buod

Sa pagsasalaysay ni Florante, nag-upuan silang tatlo nina Briseo, ang kanyang ama, at Linceo, hari ng Albanya, upang pag-usapan ang mga gagawin sa magaganap na digmaan upang palayain ang Krotonang isinakop ng mga Moro. Nang isasalaysay na ni Florante ang kanyang mga karanasan sa Atenas noong nag-aral siya roon, nakita niya si Laura, ang anak ng Haring Linceo; lubha niyang ikinagigiliwan si Laura sa kanyang ganda, at dahil doon ay agad siyang napaibig sa kanya, maging ang pag-ibig niyang alang-alang sa kanyang inang si Floresca lamang ay inihahandog niya na rin kay Laura. Totoong gulung-gulo ang isip ni Florante sa kabanatang ito.

Laura

Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Laura

Si Laura ['laʊra] ang anak ng Haring Linceo ng Albanya, at ang minamahal ni Floranteng naglalarawan sa kanya bilang isang napakagandang babae.

Ganda

Paglalarawan ni Florante

Inilalarawan ni Florante ang ganda ni Laura bilang kaagaw ng Benus, ang pinakamaningning na bituing makikita sa daigdig bago sumilang ang araw, at pagkatapos lumubog nito, sa pagiging pinakamaningning, ang kanyang buhok bilang isang lumulugay sa kanyang mga batok, na maihahambing daw sa perlas, ang kanyang mukha bilang isang lumilawanag nang kagaya ng kay Pebo, ang kanyang katawan bilang timbang na timbang, at sa lahat-lahat, bilang isang kakawinahingang-hamog lamang na bulaklak.

Dulot kay Florante

Dahil lubhang nagagandahan si Florante kay Laura, bigla siyang napaibig sa kanya, at nagugulo ang isip niya.

Biglang pag-ibig ni Florante

"(Bakit itinulot, Langit na mataas na mapanood ko kung 'di ako dapat? O Haring Linceo, kundi mo pinilit na sa salitaan nati'y makipanig, ng buhay ko disi'y hindi nagkasakit ngayong pagliluhan ng anak mong ibig! Hindi katoto ko't si laura'y 'di taksil ... Kagandaha'y bakit 'di makapagkalag ng pagkakapatid sa maglilong lakad? ... Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak naman kung marapa.)"

Florante, Florante at Laura

Kagaya ng unang nasabi, lubhang napaigbig nang bigla si Florante kay Laura. Ngunit sa kasamaang palad, kinabukasan ng araw na iyong nakita niya si Laura, paalis na siya upang digmain ang Krotona mula sa mga Moro. Itinatanong niya sa Diyos kung bakit pa siya ipinahintulutang makita si Laura kundi naman siya nararapat mahalin ni Laura.

Noong una, isinisisi niya sa kanyang isip si Linceo bilang dahilan ng pagkakakita niya kay Laura dahil sa pagpipilit niyang tumulong si Florante sa digmaan, na sa huli nagdulot ng pinapaniwalaan niyang pagtataksil sa kanya ni Laura para kay Adolfo. Ngunit sunod niya namang itong isinalungat nang mistulang nakikipagtalo siya sa kanyang sarili sa kanyang isipan. Sinalungat niya ang una niyang ibinanggit sa pagsasabing si Laura ay hindi isang taksil. Ngunit ito ay muli niya nanamang isinalungat sa pagsasabing kung totoo ang ikalawang pahayag ay bakit hindi siya matulungan ni Laura noong siya ay nakagapos pa sa puno ng hegira.

Sa huli, kanyang ipinangangaral ang nasa kanan. Ito ay maihahambing sa nangyari sa kanya; siya ay isang kapuri-puriang tagapagtanggol ng Albanya itinalaga mismo ng hari nitong si Linceo, at, sa huli, naigapos sa isang puno ng hegira.

Mga kagamitang pansarili