Florante at Laura/Buod
Mula sa Wikibooks
| ←Pagwawakas ←Paliwanag |
Pangkalahatang buod |
Mga may-akda→ |
Sa pahinang ito, maigsing ibinubuod ang awit ng Florante at Laura. Para sa mga higit na detalyadong pagpapaliwanag, silipin ang mga pagpapaliwanag ng bawat kabanata.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga paunang salita
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 1 at 2
Sa mga kabanatang ito, unang inilalarawan ni Francisco Balagtas, ang may-akda ng Florante at Laura, ang kanyang pag-ibig at pagnanasa sa isang babaeng kanyang binabansagang Selya, at sa huli MAR (Maria Asuncion Rivera), ang kanyang kasintahan sa totoong buhay na naagaw mula sa kanya ni Nanong Kapule, at sa huli nagpakulong sa kanya; kaya rito, kanyang hinahanap si Selya.
[baguhin] Pagsasalaysay ng Florante at Laura
[baguhin] Habang nakagapos si Florante
Sa simula ng Florante at Laura, mayroong isang binatang nakagapos sa isang puno ng higerang matatagpuan sa gubat sa labas ng Epiro. Ang binatang ito ay nananaghoy sa lubhang sakit, parehong sa pangangatawan at sa damdamin at pag-iisip. Sa kanyang mga pagsasalaysay, kanyang ikinaluluksa ang, ayon sa kanya, pagtataksil ni Laurang kanyang minamahal nang pinakalubhang, at ipinagpalit siya para kay Adolfong kanyang kaaway sa simula at simula pa lamang, at ng kamatayan ng ama at ina.
Sa kabilang panig naman ng gubat mayroong ding isang nananaghoy, ang Persyanong Moro, ito naman ay dahil sa pagkaagaw sa kanya ng kanyang iniibig na si Fleridang mismong inagaw ng kanyang amang si Ali-Adab.
Sa huli, ang binatang nakagapos ay binantaan ng dalawang leong nagbabalak kainin siya ngunit bago pa mangyari ito, maging ang mga leon ay naawa sa kanya sa kanyang kalagayan.
[baguhin] Pagkaligtas mula sa mga leon
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 10, 11 at 12
Kagaya ng unang isinabi, ang binatang nakagapos ay binabantaan ng mga leong kainin. Dahil naman naririnig ito ng Persyanong sa kabilang panig ng gubat, kanyang sinugod ang pinanggagalingan ng tunog upang sagipin ang binatang nakagapos. Gamit ang kanyang galing sa pakikipagdigma kanyang pinatay ang dalawang leon; ang galing nito ay inihahambing ni Francisco Balagtas kay Marte, ang diyos ng pakikipagdigma sa mitolohiyang Romano. Matapos mailigtas ng Persyano, siya ay inalagaan at binantayan nito mula sa mga hayop ng kagubatan.
[baguhin] Pagsasalaysay ni Florante
[baguhin] Kabataan
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 13, 14, 15, 16 at 17
Sunod namang isinalaysay ng binatang nagapos ang kanyang buhay dahil sa paghahangad ng Persyanong malaman kung ano ang bumabagabag sa kanya bago siya nagsalaysay, at kung mayroon mang lunas ay malutas na. Sa pagsasalaysay niya, kanyang ipinakilala ang kanyang sarili bilang Florante, anak ng Duke Briseo ng Albanya, at Prinsesa Floresca ng Krotonang anak ng hari ng Albanya. Kanyang inilalarawan ang kabataan niya bilang puno ng paglalaro at pangangaso; ngunit lahat ito ay nagtapos nang siya ay ipinadala ng kanyang ama sa Atenas upang mag-aral at maiwasan siyang lumaki sa layaw.
Sa Atenas, nakilala niya sina Adolfo, ang higit na matanda nang dalawang taong kaysa kay Floranteng pinakatanyag na mag-aaral sa buong paaralan dahil sa angkin daw na katalinuhan at kabaitang anak ni Konde Sileno, at si Menandro ang kanyang matalik na kaibigan. Ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Adolfo ay hindi mabuti dahil, ayon kay Florante, hindi niya maramdaman ang bukal na bait kay Adolfo.
Roon din sa Atenas pinag-aralan niya ang astrolohiya, matematika at pilosopiya, at matapos ng anim na taon, kanya nang nalagpasan ang katalinuhan ni Adolfo, at sunod nang siya ang pinakatanyag na mag-aaral sa buong kamag-aralan. Ito ay lubhang dinamdam ni Adolfo, at ikinagalitan niya si Florante dahil naraig niya si Adolfo. Ito naman ay unti-unting nahahalata ni Florante, at sa isang pagdurula ng buhay ni Edipo, isang tauhan sa mitolohiyang Griyego. Habang nagdudula, lumabas na ang totoong damdamin ni Adolfo para kay Florante. Inilabas niya ang buo niyang galit sa pagsasabi nito imbis ng kanyang ditso, at pagtatangkang patayin si Florante; ito naman ay hindi nagtagumpay dahil sa pakikipaggitna ni Menandro upang iligtas si Florante, at salagin ang mga taga ni Adolfo. At dahil sa pandarahas na ito ni Adolfo, siya ay ipinauwi ni Antenor, ang kanilang guro, pabalik ng Albanya.
Dumaan pa ang isang taong pagtatagal ni Florante sa Atenas, at ngayon ipinasusundo na siya ng kanyang amang si Duke Briseo dahil namatay na ang kanyang inang si Prinsesa Floresca. Bago lumiban, ipinagbilinan muna siya ni Antenor na mag-ingat sa higanting handa ni Adolfo sa Albanya, at ikinalungkot ng buong paaralan ang kanyang paglisan, lalo na si Menandro, ang kanyang matalik na kaibigan. At dahil naman doon, ipinayagan na lamang ni Antenor na amain ni Menandrong sumama siya kay Florante sa Albanya. Naging mabilis ang kanilang paglayag sa barko, at agad nang nakabalik sina Florante at Menandro sa Albanya kung saan naging maligayang maligaya si Florante sa muling pagkakakita ng kanyang ama.
[baguhin] Pakikipagdigma
Matapos ng kanilang pagkikitang mag-ama, sila ay hinihingian ng tulong ng Krotona, at nagpadala pa ng isang embahador para rito. Pinag-usapan nila ito sa palasyo ng hari ng Albanya. Ang tulong na ito ay pampakikipagdigma dahil ang Krotona ay isinakop ng mga Moro. Sinang-ayunan ito ni Florante, at ginawa siyang heneral ng Haring Linceo ng Albanya.
Habang pinag-uusapan ito, nakita ni Florante ang anak ng Haring Linceo, si Laura. Iniigbig niyang lubos si Laura, at kanyang inilarawan bilang napakaganda. Kaya bago siya lumisan papuntang Krotona upang makipagdigma, kanyang inihayag ang totoo niyang damdamin para kay Laura. Inoohan ito ni Laura sa pamamagitan ng luha.
Sa Krotona, kanyang nasaksihan ang isang marugong patayan. Sunod naman siyang hinamon ng Heneral Osmalic ng hukbong Moro. Matapos ang limang oras napatay ni Florante si Osmalic, at sunod naman nilang kinalaban ang natitirang hukbo nang kasama si Menandro. Sa pagkapanalo nila, sila ay isinalubong ng hari at ng mga mamamayan ng Krotona upang pasalamatan. Ang araw na iyon ay punung-puno ng saya bagaman si Florante ay napighati pa rin sa huli dahil sa pagkaalala ng kamatayan ng kanyang ina.
Nagtagal pa sila nang limang buwan sa Krotona bago nagpumilit umuwi si Florante sa Albanya upang makitang muli si Laura. Naging mabagal ang kanilang pagbalik, na sa kabagalan ay hinihiling pa nga ni Floranteng lumipad upang makabalik lamang nang mabilis. Ngunit sa paglapit nila sa Albanya, nabagabag si Florante, at sa huli nalaman niya na kung bakit ganoon; nagwawagayway na ngayon ng watawat ng mga Moro ang Albanyang nangangahulugang isinakop ito nang wala sila. Kaya naman kanilang kinalaban ang mga mananakop, ibinawi ang Albanya, at ipinakawalan ang mga ibinilanggong kaginoohan. Lubhang ikinatuwa ito ng kaginoohan, maliban kay Adolfong lubhang naiinggit, at ng Haring Linceo, at sa pagpapasalamat ay binansagan siyang "Tanggulan ng S'yudad". Doon din nahalata ni Adolfong iniibig ni Florante si Laura; ito ay naging napakamasaklap sa kanya dahil nangangahulugan itong balang araw si Florante na ang magiging hari.
Matapos ang ilang buwan, mayroon nanamang mga bagong nagbabanta sa Albanya; ito ang mga Turko. Dahil dito itinalaga nanaman si Floranteng kalabanin ang bagong banta, at ito ay ikinalungkot naman ni Laura dahil nangangahulugan itong maaari nanamang mapatay si Florante habang nakikipagdigma. Sunod na nakipaglaban si Florante sa iba-ibang bayan at lahat ay ipinanalo niya. Sa Etolya, pagkatapos niyang manalo, nakatanggap siya ng isang liham na nag-uutos sa kanyang umuwi ng Albanya nang mag-isa. Isinunod ito ni Florante, at iniwan ang kanyang hukbo kay Menandro. Sa pagdating niya sa Albanya noong isang madilim na gabi, siya ay mabilis na nabihag sa isang bitag, na sa bilis ay hindi man lamang siya nakapalag. Matapos nito, siya ay ikinulong, at napag-alaman niyang ipinapatay ni Adolfo ang hari, at si Adolfo rin ang dahilan ng kanyang pagkabilanggo. Sumailalim si Florante sa lubhang kalungkutan hindi lang dahil doon kundi dahil din pinapatay din ang kanyang ama, at ipinapaniwalaan niyang ipinagpalit na siya ni Laura. Pagkatapos ng pagkabilanggo niya nang 18 araw, siya ay idinala sa gubat kung saan siya iginapos.
[baguhin] Pagsasalaysay ni Aladin
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 24
Sa pagsasalaysay ng Persyanong lumigtas kay Florante, ipinakilala niya ang sarili bilang Alading anak ng Sultan Ali-Adab ng Persya. Sunod niya namang ipinakilala si Flerida, ang babaeng kanyang minamahal na, ayon sa kanya, ay lubhang maganda. Ngunit bagaman sila ay nagmamahalan, hindi sila nagsama dahil inagaw ng kanyang ama si Flerida, at siya ay ipinabilanggo at itinakdang pugutan. Lahat ito ay, ayon sa kanyang ama, ay ang pag-iwan ng kanyang hukbo nang hindi pa iniuutos, at pagkatalo sa laban. Habang siya ay nakakulong, ipinakawalan siya ng isang heneral sa ilalim ng utos ng kanyang amang ipinatawad siya. Kasama sa pagpapatawad na ito ay ang pag-alis niya at hindi pag-balik sa Persya magpakailanman. Bagaman nailigtas ang kanyang buhay, hindi niya ikinasasaya ito dahil nangangahulugan itong hindi na sila muling magkikita ni Flerida. Habang kanyang isinasabing anim na taon na siyang namamalagi sa gubat, sila ay napatigil nang mayroon silang marinig na nag-uusap bukod pa sa kanila sa gubat.
[baguhin] Mga dagdag detalye sa mga unang pagsasalaysay
[baguhin] Sa salaysay ni Aladin
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 25
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Ang narinig nina Aladin at Floranteng nagsasalaysay ay si Flerida habang nagsasalaysay kay Laura. Sa pagsasalaysay ni Flerida, napag-alaman niya raw na pupugutan si Alading kanyang minamahal kaya nagmakaawa siya sa ama nitong sultang siya ring nagpataw nitong patawarin na si Aladin. Pinatawad nga ng Sultan Ali-Adab si Aladin ngunit sa isang pasubali. Ito ay kailangang tanggapin ni Flerida ang handog na pag-ibig ni Ali-Adab kundi mamamatay si Aladin. Itinanggap ito ni Flerida upang mailigtas si Aladin. Ngunit sa araw ng kanilang kasal, nagdamit-mandirigma si Flerida, at umalis ng palasyo gamit ang bintana. Ilang taong hinanap ni Flerida si Aladin sa iba-ibang bundok at gubat hanggang nakarating siya sa gubat na ngayon ay ipinagsasalaysayan niya.
Ang kanyang pagsasalaysay ay natapos nang dumating sina Aladin at Florante. Ang oras na iyon ay naging napakasaya sa kanila, at ngayon ay nagkita-kita na silang muli.
[baguhin] Sa salaysay ni Florante
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 26
Sunod namang nagsalaysay si Laura, at ang kanyang salaysay ay ang mga nangyari nang umalis si Florante ng Albanya papuntang Etolya upang kalabanin ang bantang pananakop ng mga Turko. Ayon kay Laura, nang nawala si Florante, mayroong kumalat na sabi-sabi. Ayon sa sabi-sabing ito, iniutos daw ng Haring Linceong harangan ang imbakan ng kananin at trigo, ang pangunahing pagkain ng karamihan ng mga kalinangan, upang gutumin ang mga mamamayan ng Albanya. Sa paniniwala ng taumbayan, sila ay nagwelgang mamatay ang Haring Licneo. Ginamit ni Adolfo ang paniniwalang ito upang agawin ang kapangyarihan, at bilang bagong hari ng Albanya, iniutos niya ang pagpugot ng Haring Linceo, at ng kaginoohan. Pagkatapos ng lahat ng iyon, ipinilit ni Adolfong ibigin siya ni Laura kundi siya ay mamamatay. Humingi ng limang buwang taning si Laura upang makapagpasya, ito ay upang patagalin ang kanyang pagsagot, at upang mahintay pa ang pagbalik ni Florante dahil sa kanyang sulat na gagawing humihiling ng pagbalik ni Florante. Kundi man makabalik si Florante, higit na pipiliin niya pa raw na magpakamatay. Matapos ang isang buwan, nakatanggap si Florante ng isang sulat na kanyang isinunod, hindi ang mula kay Laura kundi ang pamatibong na sulat ng Konde Adolfong humihiling ng kanyang pagbalik nang mag-isa, at lubhang ikinalungkot ito ni Laura. Dahil hindi si Florante ang nakatanggap ng sulat, natanggap ito ni Menandro at ng kanyang hukbo. Nang palapit na ang pagpapakamatay ni Laura, dumating naman si Menandro at ang kanyang hukbo, at kinubkob ang Albanya mula kay Adolfo. Hindi ito kayang malabanan ng Konde Adolfo, kaya, kasama ng kanyang mga lingkod, umalis siya ng Albanya nang kasama si Laura gamit ang kabayo. Idinala ni Adolfo si Laura sa gubat na ipinagsasalaysayan niya ngayon, at dito siya ay pinagtangkaang halayin ni Adolfo. Dito sa panahong ito, dumating at nagsimula nang magsalaysay si Fleridang lumigtas kay Laura sa pagpana kay Adolfo upang mapigilan siya sa kanyang balak gawin.
[baguhin] Pagwawakas
-
-
-
-
-
-
-
- Punong pagpapaliwanag: Kabanata 27
-
-
-
-
-
-
Matapos magsalaysay nina Flerida at Laura, rumating ang hukbong ipinapamunuan ni Menandro. Hinahanap nila si Adolfo malamang upang bilangguin o parusahan. Sa huli, kanilang isinigaw ng hukbong ito ang kanilang paggalang sa mga bagong pinuno ng Albanyang sina Florante at Laura. Matapos niyon, bumalik sila sa kaharian, at doon ipinagdiwang ang pagbibinyag nina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo, at ang kanilang pagpapakasal, pati na rin ang kina Florante at Laura. Tumagal ang panahon, at namatay na rin ang Sultan Ali-Adab kaya umuwi na siya at si Flerida pabalik ng Persya upang maging bagong pinuno nito. Sa pamumuno ni Florante bilang bagong hari ng Albanya, naging mapayapa ang kaharian hanggang sa kanyang kamatayan.

