El Filibusterismo/Kabanata 31 : Ang Mataas na Kawani

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Buod[baguhin]

Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin(kabesang tales). Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.

Napalaya na ang mga estudyanteng nakulong. Ang tanging naiwan sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang prestige at authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol.

Binigyan ng katwiran ng Mataas na Kawani na si Sarayguday ay isang estudyante sa medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi ito sa kurso.

Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na Kawani at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas na Kawani. Dahil dito nagsisi ang Mataas na Kawani sa pagtukoy kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng Kapitan Heneral.

Sinabi ng Mataas na Kawani na si Basilio daw ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas nakakatakot.

Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Kawani na hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad, ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal, mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Kawani na kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng Kapitan Heneral, tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang tama at makatarungan.

Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Kawani kung kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at napayuko na lang ang Mataas na Empleado. Nilisan ng Mataas na Kawani ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na “pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya,” nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na “alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!”.

Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod sa Korea.khcv,,,,,,,,,,,,,gku dbfygknhjnjjjjjjjjjjjjjjjjjjbgkuihhhhhhjybufgkj