El Filibusterismo/Kabanata 23 : Isang Bangkay

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

SA MGA TAGA SAN.AG DA NGA 4th YEAR HELLO!!! HAHAHAH... -g.MaRVin06 2013-2014

Kakatuwa naman yung nasa taas xD --- Aldrin of IV-CAMPOS

^ kasalanan ng mga tulad ninyong papansin kung bakit hindi naikokonsidera ang credibilidad ng wiki sa larangan ng akademya. Kamatayan sa mga ignoranteng katulad ninyo!


Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan. Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamaabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis. Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayaman, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayan at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng mundo.