El Filibusterismo/Kabanata 11 : Los Baños

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho. naglalaro sila ng baraha, sina Charles, Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral, nagpapatalo naman ang mga fraile.

Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milimetrong armas de salon

Titser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral. Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos ng isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan kahit lamagn Lunes hanggang Biyernes. Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) at ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito. Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag marunong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumunod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sinasabi ng mga batas at mga libro. Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni tandang selo at tinulungan ito.


ADD ME ---> https://www.facebook.com/Anjaexconde just helping:)