El Filibusterismo/Kabanata 06 : Si Basilio

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Basilio kaya’y siya’y nagtungo sa kagubatang dati’y pagmamay-ari ng mga Ibarra, at patuloy siya sa paglalakad sa loob nito hanggang sa marating niya ang isang bunton ng bato kung saan nakalibing ang kanyang ina. Siya’y nag-isip at naalala ang kanyang nakaraan. Marami siyang mga paghihirap na dinaanan: pagtakas sa Maynila, paghihiling na sana ay masagasaan na siya ng mga kabayo, hangggang sa siya’y kupkupin nila Kapitan Tiyago. Siya’y nagsimulang magsikap sa pag-aaral, kahit na siya’y hindi pinapansin ng mga guro kaya naman siya’y laging nakapapasa. Unti-unting bumubuti ang kanyang kapalaran sa pag-aaral at siya’y inilipat sa Ateneo mula sa San Juan de Letran hanggang sa siya’y magtapos at kumuha ng kurso sa Medisina. Sa kanyang pag-unlad ay sinikap niyang kalimutan ang paghihirap ng nakaraan at ipagpatuloy na lamang ang pagsisikap