El Filibusterismo/Kabanata 04 : Kabesang Tales

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Buod[baguhin]

Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, kaya ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli (o Juli sa ibang aklat)upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Nang ang bukid ay umunlad, ito ay inangkin ng mga prayle dahil ang lupang kinatitirikan daw ng kaniyang lugar ay nasa loob ng hangganan ng Korporasyon ng mga Kura. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales kaya't siya'y nag-alimpuyo at nanindigang babantayan ang kaniyang pinagpagurang lupa at nang hindi ito mapunta sa mga nais kumuha.

Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Nagtengang-kawali si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.

Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Di makapasok doon ang sino man dahil bali-balitang si Kabesang Tales ay may bitbitbitbit na baril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas maliban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasya niyang humingi ng tulong kay Hermana Penchang. Siya naman ay tinulungan at ipinasok siya bilang kasambahay. Noon ay bisperas ng Pasko. Bukas naman, araw na ng Pasko at magsisimula na siyang maglingkod bilang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.