El Filibusterismo/Kabanata 02 : Sa Ilalim ng Kubyerta

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Buod[baguhin]

tinugo ni simoun ang ibaba ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyante na pinakukundanganan

ng iba. Si Basilio, nag-aaral ng medisina at mahusay na manggamot at isang katatapos pa lamang

sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila ni Paolo Prieto. Napag-usapan nila ang 

pagkagumon sa opyo ni Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani ni Padre Irene na naging tagapayo ng

kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol

sa pagtuturo ng wika ng Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay,

ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang

kasintahan ni Isagani at ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiyahin

niya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si Don

Tiburcio De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago. sina

Donya Victorina at P.Salvi. ni Maria Clara si Crisostomo Ibbara


Dumating si Simoun at kinausap ang magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Lumabas ang ibong adarna at ang agila.

Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio. art. Si Basilio ay nag sa ibaba ng kubyerta at ipinutok kay donya vitorina

Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa.

Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

mga tauhan


>Kapitan Basilio >Basilio >Isagani >Paolo Prieto >Padre Florentino