Dinengdeng

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

¼ kilo liempo, hiniwang pakuwadrado
½ tasa mantika
3 kutsara bagoong isda
1 tasa tubig
1 piraso katamtamang laki ng ampalaya, inapat na hiwa
5 piraso talong, inapat na hiwa
4 piraso kamatis, hiniwa
1 piraso maliit na luya, hiniwa
1 tali bulaklak ng kalabasa
1 tali okra
2 piraso kamote
1 tali sigarilyas
½ tasa patani

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Iprito ang liempo sa kawali.
  2. Hanguin, patuluin at itabi.
  3. Sa hiwalay na kaserola, pakuluin ang baoong isda at tubig.
  4. Idagdag ang liempo at lahat ng mga gulay.
  5. Lutuing maigi at patayin ang apoy kapag malambot na ang kamote.