Daing na Bangus

Mula sa Wikibooks

[baguhin] Sangkap

1 piraso katamtamang laki ng bangus
1 buo bawang, pinitpit na medyo buo-buo
1 kutsarita dinikdik na paminta
1 kutsarita asin
1 kutsara suka
½ tasa mantika

[baguhin] Paraan ng pagluto

  1. Huwag kakaliskisan ang bangus.
  2. Biyakin ang bangus sa likod at kung lalaplapin, sa may gawing buong tinik ng bangus.
  3. Alisan ng bituka at hugasan.
  4. Kapag malinis na ang bangus, asinan na pantay ang pagkakaasin.
  5. Bidburan ng paminta at ibabaw ang bawang.
  6. Iwanan ng mga 1 oras nang pagkakaasin.
  7. Pagkatapos ay buhusan ng suka at tignan kung lahat ng bangis ay nabuhusan ng suka.
  8. Iwanan ng magdamag o mga 6 na oras.
  9. Prituhin sa mantika at hanguin kapag mamula.
Mga kagamitang pansarili