Coq Au Yin

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 hiwa bacon, hiniwang pakuwadrado
4 kutsara mantikilya
2 kilo manok, hiniwang katamtaman ang laki
½ kilo sibuyas, hiniwa
4 butil bawang, dinikdik
¼ kilo sariwang mushrooms
¼ tasa brandy
bouquet garni
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
1 ½ tasa red wine
3 kutsara beurre manie

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, papulahin ang bacon hanggang magmantika.
  2. Alisin ang bacon at idagdag ang mantikilya.
  3. Papulahin ang mga hiwa ng manok.
  4. Ilipat sa pinggan.
  5. Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas ng 10 minuto.
  6. Isama ang bawang at mushrooms.
  7. Pagkatapos ay isama ang bacon at manok.
  8. Ihalo ang brandy at paapuyin.
  9. Isama ang bouquet garni, pantimpla at red wine.
  10. Takpan at lutuin sa mahinang apoy hanggang lumambot ang manok.
  11. Ihiwalay ang manok at mushrooms sa isang pinggan.
  12. Palaputin ang sarsa ng beurre manie.
  13. Salain at ibuhos sa ibabaw ng manok.